Ipinatigil na ng Commission on Elections (Comelec) ang pagbabaklas ng mga campaign materials na nakapaskil sa mga pribadong lugar.
Ito ay matapos na maglabas ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema laban sa kontrobersyal na “Oplan Baklas” ng komisyon makaraang maghain ng petisyon ang St. Anthony College ng Roxas City, Inc. at dalawa pang mga taga-suporta ni presidential candidate Leni RObredo.
Sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez na napagkasunduan ng en banc na sumunod sa naturang order, ngunit nilinaw na magpapatuloy pa rin ang komisyon sa kanilang operasyon sa mga public spaces.
Ang Oplan Baklas ay layunin na tanggalin mula sa pagkakapaskil ang mga campaign paraphernalia ng mga tumatakbong kandidato para sa darating na halalan na hindi sumusunod sa mga itinakdang pamantayan Comelec.