Nakatakdang resolbahin ng Commission on Elections (COMELEC) sa susunod na linggo ang mga apila ng inihain ng mga idineklara nilang nuisance candidate.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia na kanilang susundin ang naging pangako nila sa huling linggo ng Nobyembre nila tatapusin ang mga kaso ng nuisance candidates.
Target kasi na nila maisapinal ang listahan ng mga kandidato ganun ang mga nuisance candidate at ang pag-imprinta ng balota sa buwan ng Disyembre.
Nitong nakaraang araw lamang kasi ay mayroong 14 na mga kaso ang naghain ng motion for reconsideration matapos na sila ay idineklarang nuisance candidate.
Una rito ay inalmahan ng ilang kandidato ang pagdeklara sa kanila bilang nuissance kaya naghain sila ng motion for reconsideration.