Umaasa ang Commission on Elections (Comelec) sa mas mataas na overseas voter turnout para sa 2022 elections kumpara sa mga nakaraang halalan.
Binanggit ni poll commissioner Marlon Casquejo na sa ilang lugar tulad ng Hong Kong, humigit-kumulang 30% ng mga Pilipino ang bumoto na, habang ang ibang mga bansa ay nag-ulat ng humigit-kumulang 20%, mula noong Abril 10, ang unang araw ng pagboto sa ibang bansa para sa 2022 na botohan.
Dagdag pa niya na sa ngayon, para sa early time period of voting, naabot na nila ang target na mahigit 30 percent.
Ipinunto ni Casquejo na sa mga nakaraang halalan, nasa 20% o mas kaunti lamang ang lumabas na botante sa ibang bansa.
Batay sa datos ng Comelec, mayroong 1,697,215 overseas Filipinos ang nakarehistro para sa 2022 elections.
Sa bilang na ito, 786,997 ay mula sa Middle East at African na mga bansa, 450,282 mula sa Asia Pacific, 306,445 mula sa North at Latin America, at 153,491 mula sa Europe.