-- Advertisements --
Lumagda ng kasunduan ang Comelec para sa International Certification Entity (ICE) na siyang tututok sa programa at mga hakbang ng komisyon para sa paghahanda ng 2025 midterm elections.
Nabatid na ang pagkakaroon ng international certification ay alinsunod sa automation law at nagpapatibay ng kridibilidad ng ating eleksyon.
Inamin naman ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na naghahabol pa rin sila sa schedule ng mga kinakailangang mock elections.
Layunin ng trial elections na matukoy kung saang parte ng paghahanda ang kailangan pa ng mga adjustment.
Ilan sa mga nakatakdang mock elections ay sa pagpasok ng susunod na taon, kung saan inaasahan din ang presensya ng local at foreign observers.