-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Buhos pa ang mga nakapila sa Commission on Elections (Comelec) offices sa mga bayan at mga lungsod sa Albay kaugnay ng nalalapit na pagsasara ng voter’s registration para sa 2020 elections.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Albay Provincial elections supervisor Atty. Maria Aurea Bo-Bunao, may mga tanggapan na may nakapila na kaagad kahit hindi pa man nag-uumpisa ang flag-raising ceremony.

Nanindigan si Bunao na hindi nagkulang sa pagpapaalala sa mga potential voters sa pagpaparehistro habang bukas rin kahit pista opisyal at Sabado.

Inaasahan naman ng ahensya na magiging pahirapan ang transportasyon sa Lunes, Setyembre 30 lalo na’t sasabayan ang last day of voter’s registration ng nationwide transport strike.

Apela naman ni Bunao sa mga lokal na gobyerno na gumawa ng paraan upang makapunta pa rin sa Comelec offices ang mga magpaparehistro.

Nasa 300 lamang umano ng rehistrasyon na ia-accomodate sa bawat araw na batay sa kapasidad ng ginagamit na machine habang hanggang alas-5:00 ng hapon ang pagproseso.

Samantala, sa Hulyo 2019 naman ang susunod na pagbubukas ng rehistrasyon para sa 2022 elections.