-- Advertisements --

DAVAO CITY – Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec-11) na sasampahan nila ng kaso ang mga kandidato na mangangampanya ngayong Holy Week.

Ayon pa kay Atty. Krisna Caballero, tagapagsalita ng Comelec-11, mahigpit ang kautusan ng ahensiya na walang isasagawang pangangampanya sa Huwebes at Biyernes Santo at magpapatuloy lamang ang mga kandidato sa kanilang mga aktibidad sa araw ng Sabado.

Dagdag pa ni Atty. Caballero na may mga personahe sila na magmo-monitor sa mga aktibidad ng Holy week at babantayan ang mga kandidato na magsasagawa ng hand shaking sa mga tao at pangangampanya.

Nabatid na kabilang rin sa binabantayan ngayon ng ahensiya ang mga paid advertisement at paid hashtags ng mga kandidato sa social media.

Nanawagan din ang opisyal sa publiko na maaaring i-dokumento ang mga aktibidad ng mga kandidato ngayong semana santa at i-report agad sa kanilang opisina para agad nila itong maaksiyunan.