-- Advertisements --

Tutulong ang Commission on elections (Comelec) ang mga guro para sa apelang overtime pay sa kanialng duty sa araw ng halalan gayundin ang pag-waive ng ipinapataw na tax sa kanilang honorarium.

Ayon Comelec Commissioner George Garcia kanilang titignan ang apela ng mga guro at iendorso ito sa concerned agencies gaya ng Bureau of Internal Revenue.

Umaasa ang ito na matulungan ng poll body ang mga guro para maiparating sa BIR at maikonsidera na mawaive ang ipinapataw na tax sa kanilang election honoraium

Sa pagpupulong kasama ang Tecaher’s Dignity coalition na natalakay ang apela ng mga guro para sa overtime pay.

Aniya batay sa joint memorandum circular sa pagitan ng Civil Service Commission at ng Department of Budget and Management nakasaad na ang Comelec ay hindi pinapahintulutang magbigay ng overtime pay sa mga manggagawa na hindi nila empleyado.

Kaugnay nito, inirekomenda ni Gracia ang maiparating ang naturang apela sa CSC at sa DBM.