Umaasa si Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia na mas maraming residente sa Baliuag, Bulacan ang lalahok sa plebisito sa pagpapalit ng munisipyo sa isang lungsod.
Ayon kay Garcia, 87 percent sa mga residente ng Maguindanao ang bumoto habang 56 percent naman sa Batangas.
Inaasahan din ni Comelec commissioner-in-charge para sa plebisito na si Aimee Ferolino ang mataas na turnout.
Gaganapin ang plebisito sa 27 barangay ng Baliuag ngayong araw.
Ayon sa Office of the Deputy Executive Director for Operations, mayroong 591 itinatag na presinto at 200 clustered precincts para sa plebisito.
Sasagutin ng local government unit ang lahat ng gastusin para sa plebisito.
Ang Republic Act 11929, na naging batas noong Hulyo 30, ay nagtadhana para sa conversion ng Bayan ng Baliuag sa lalawigan ng Bulacan sa isang component city.