Hinimok ni Comelec Chairman George Erwin Garcia ang mga lokal na pamahalaan na kusa nang magpatupad ng lokal na mga patakaran ukol sa mga maagang naglalagay ng mga tarpaulin at posters ng mga posibleng kandidato.
Inamin ni Garcia sa panayam ng Bombo Radyo na limitado ang kanilang galaw dahil sa ruling ng Korte Suprema.
Batay sa kasong Penera versus Comelec, sinasabi ng kataas-taasang hukuman na maaari lamang ituring na kandidato ang isang indibidwal kung siya ay nakapaghain ng kandidatura at pasok na sa campaign period.
Kaya ang anumang paglilibot ng mga potential candidates ay hindi pa mapagbabawalan ng komisyon sa anumang paraan.
Apela naman ni Garcia sa publiko, obserbahan ang mga politiko at husgahan ang mga ito sa pamamagitan ng pagsuporta o hindi pagsuporta sa darating na halalan.