-- Advertisements --
Inanunsyo ng Commission on Elections (Comelec) na sarado ang lahat ng kanilang tanggapan sa buong bansa sa darating na Nobyembre 30 at Disyembre 8.
Sinabi ng ahensya na ito ay sang-ayon sa Presidential Proclamation No. 845.
Tuwing Nobyembre 30 kasi ginugunita ang Bonifacio Day habang special non-working holiday naman sa Disyembre 8 para sa Feast of the Immaculate Conception.
Dahil dito, walang voter registration sa nasabing mga petsa.
Ayon pa sa Comelec, wala ring transaksyon sa kanilang main at field offices kabilang ang paglalabas ng voter’s certification.
Nagpaalala naman ng ahensya na isinasagawa ang voter registration mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon tuwing weekdays.