-- Advertisements --
Binigyang-diin ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na wala na silang maibibigay na grace period pagkatapos ng Setyembre 30 na panahon ng pagpapatala ng mga botante.
Masyado na aniyang mahaba ang panahong ito na nagsimula noon pang Pebrero.
Sinabi sa Bombo Radyo ni Garcia na binuksan naman nila ang mga tanggapan ng Comelec kahit holiday, weekends at mga panahong walang pasok ang ibang tanggapan.
Maging sa mga mall at pampublikong lugar ay nag-offer na rin sila ng “Register Anywhere Program” para makapag-ayos ng registration record ang mga mamamayan.
Sa kabila ng maraming nakapagpatala, marami din umanong delisted dahil sa multiple entry at ang iba naman ay pumanaw na, base sa kanilang berepikasyon.