Inamin sa Bombo Radyo ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na wala silang na stablish na pattern na magsasabing sinadya para sa malaking hakbang ng pandaraya ang mga double at multiple registration ng mga botante.
Kasunod ito ng daan-daang libong may paulit-ulit na entry sa kanilang database.
Paliwanag ni Garcia, kadalasan sa mga ito ay honest mistake dahil sa pag-aakalang ganap nang burado ang kanilang lumang pagpaparehistro dahil hindi nakaboto sa magkasunod na halalan.
Aniya, ang dapat sanang ginawa ng mga ito ay nag-reactivate lamang mula sa lumang record, lalo na kung lumipat na bahay at voting area.
Gayunman, oobserbahan pa rin umano ng poll body kung may mga makikita silang trend ng pandaraya upang agad itong maaksyunan.
Hindi na raw kasi makakalusot ang flying voters dahil nade-detect na ito ng biometric system na ginagamit ng komisyon, mula nang simulan ang automated voting process sa ating bansa noong taong 2020.