CAGAYAN DE ORO CITY-Ikinadismaya ng Comelec ang matumal na turnout ng mga pulis sa Northern Mindanao na nag-avail ng local absentee voting na nagtapos noong isang araw.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Misamis Oriental Provincial Election Supervisor Atty Alilie Ramirez na aabot lamang sa 190 na mga pulis sa Northern Mindanao ang bumoto. Marami umanong mga pulis ang mas piniling buboto na lamang sa election day.
Una nang sinabi ni PNP-10 spokesman Lt. Colonel Surkie Serenias na halos kalahati ng kanilang police force ang hindi nakaboto.
Ngunit sinabi nito na hindi nagkulang si Regional Director Police Brig Gen Timoteo Pacleb sa pagpapa-alala sa kanilang mga tauhan sa pagbuto sa local absentee voting at sa gayon kanilang matu-tutukan ang pagbabantay ng seguridad sa araw ng eleksiyon.
Nauna rito, ikinalungkot rin ng Comelec ang maliit na bilang mga pulis sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM na bumoto sa absentee voting na umabot lamang sa 90.