-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Tiniyak ng Police Regional Office 10 ang kanilang buong suporta na maidaos na matiwasay,tahimik at matagumpay ang 2025 national at local elections sa bansa sa Mayo 12.

Ito ang dahilan na kabilang ang PRO 10 na aktibong pumirma ng solidarity pact signing kasama ang Armed Forces of the Philippines,Philippine Coast Guard,Department of Education na ilan sa deputized government agencies maging sa religious at non-government organizations mismo sa Camp Alagar ng syudad nitong araw.

Sinabi ni PRO 10 Director Brig Gen Jaysen De Guzman na kasama ang buong hanay ng pulisya upang makamtan ang pangkalahatan na tagumpay ng halalan particular sa mga lugar na sakop ng Northern Mindanao.

Dagdag ng heneral na ang pagpirma ng mga kinatawan mula sa iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno at patunay na wala itong ibang hangarin maliban na magkaroon ng malinis at makatotohanan na resulta ng eleksyon sa darating na Mayo.

Magugunitang ang Northern Mindanao ay isa sa lang sa mga maraming rehiyon na mayroong pinakatahimik na pagdaos ng halalan.