-- Advertisements --

Sinibak na sa pwesto ng pamunuan ng Philippine Navy ang commanding officer at mga crew ng barkong PS19 na umanoy nakapatay sa dalawang Vietnamese fishermen.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Capt. Lued Lincuna, relieved na sa kanilang pwesto ang mga nasabing personnel.

Tumanggi namang pangalanan ni Lincuna ang nasabing commanding officer at mga crew.

Layunin ng Philippine Navy na maging available ang mga sangkot sa anumang gagawing imbestigasyon at matiyak na walang magiging whitewash sa pagsisiyasat.

“The Commanding officer and other crew were relief to make them available on-call for the inquiry to shed light and to ensure impatiality in the said inquiry,” mensahe na ipinadala ni Lincuna.

Una rito, tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na makikipagtulungan sila sa mga gagawing imbestigasyon.

Ayon kay AFP Public Affairs Office (PAO) chief Col. Edgard Arevalo na ipinag-utos na nina AFP chief of staff Gen. Eduardo Año at Philippine Navy Flag Officer in-command Vice Admiral Ronald Joseph Mercado na magsagawa ng throught at impartial inquiry kaugnay sa insidente na kinasasangkutan ng isa sa anim na Vietnamese vessel noong September 23, 2017.

Sinabi ni Arevalo na relieved na sa pwesto ang kapitan ng barko habang nasa restrictive custody ang mga personnel nito.

Magkakaroon din ng internal investigation ang Philippine Navy kaugnay sa insidente.
Ipinauubaya na ng AFP ang iba pang mga pahayag sa Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay sa insidente.