Humingi ng paumanhin si Lieutenant Efren Duran Jr, commander ng BRP Teresa Magbanua kay Philippine Coast Guard Palawan District Commander Captain Dennis Labay matapos itong magdesisyon na lisanin ang Escoda Shoal at tuluyang bumalik sa Palawan.
Kung maaalala, aabot sa limang buwan ang itinagal ng barko sa naturang bahagi ng karagatan para bantayan ang teritoryo ng bansa.
Ayon kay Duran Jr, ang kanyang desisyon ay para sa mga tauhan ng barko na nagkakasakit na dahil sa kawalan ng maiinom na tubig at pagkain.
Ginawa ni Duran ang pahayag kasabay ng pagrereport nito sa Philippine Coast Guard na pinamumunuan ni Coast Guard commandant Admiral Ronnie Gil Gavan.
Mula Maynila ay lumipad patungong Palawan si Gavan para i-welcome ang kanyang mga tauhan.
Ayon kay Admiral Ronnie Gil Gavan, naging matagumpay pa rin naman ang mission ng 60 personnel ng BRP Magbanua sa naturang karagatan.
Nilinaw naman nito na hindi ito tugon sa panawagan ng China na lisanin na ng Pilipinas ang lugar.
Hindi aniya nila isusuko ang soberanya at teritoryo ng bansa sa WPS.