LAKE SEBU, SOUTH COTABATO – Kaagad nasawi ang limang kasapi ng New People’s Army kabilang na ang isang Amazona sa nangyaring sagupaan sa bahagi ng Kibang, Brgy. Ned, sa bayan ng Lake Sebu.
Batay sa ulat ng pulisya, kinilala ang naturang mga suspek na sina Bernie Canyon alyas Delmar, kumander ng Pulang Bagani Command; Rogelio Magsaya alyas Sargs/Delio,Vice commander; Romeo Hebron alyas Frank/Melvin, isang Ka Mercy na asawa ng isang certain Dulce, at isang certain Makoy, na pawang mga kasapi ng Guerilla Front 53 at nagmula umano sa Compostela Valley.
Ayon sa report, biglang nagpaputok ang mga suspek nang ihahain na ng mga sundalo at pulis ang warrant of arrest sa kanila at nagtagal ito ng limang minuto.
Narekober sa encounter site ang kanilang mga armas na kinabibilangan ng isang M-16 rifle; carbine rifle; 1 kalibre 45 pistol; 1 caliber 40 pistol; IED at bomb components, at mga subersibong dokumento.
Una na ring kinumpirma ni Lake Sebu Mayor Floro Gandam sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal ang pagkasawi ng limang rebelde na hindi taga-South Cotabato,
Ayon pa kay Mayor Gandam, agad siya nga nagpahanda ng relief packs na ipapamahagi sa mga residenteng apektado ng sagupaan.