-- Advertisements --

Nagsagawa ng port call sa Pilipinas ang commanding ship ng United States Navy 7th fleet na USS Blue Ridge.

Ang USS Blue Ridge o ang LCC-19 ay isang amphibous command and control ship na may advanced communication and information systems para sa epektibong pangangasiwa sa Naval o maritime operations.

Kahapon ay bumisita ang commander ng Commander ng US Navy 7th Fleet (C7F) na si VAdm. Fred Kacher sa Tanggapan ng Phil Navy.

Tinanggap siya ni Philippine Navy Vice Commander RAd. Cesar Bernard Valencia na kumatawan kay Navy Flag Officer-in-Command VAdm. Toribio Adaci Jr.

Ang pagbisita ng US Navy 7th Fleet sa bansa ay sa kabila na rin ng tumitinding alitan ng Pilinas at China dahil sa WPS.

Samantala, kasama rin sina Senator Francis Tolentino at Ambassador of the United States MaryKay L. Carlson sa mga sumalubong sa naging port call ng naturang barko.

Bago nito ay nagsagawa ng maneuvering exercise ang U.S. Navy 7th Fleet Flagship USS Blue Ridge (LCC 19), kasama ang French Navy Aquitaine-class frigate FS Bretagne (D 655) sa katubigang sakop ng bansa ilang araw na ang nakakalipas.

Ang naturang execise ay bahagi ng Valiant Shield 2024 military exercise na dinaluhan ng iba’t ibang mga bansa, kasama ang US, Japan, atbpa.