-- Advertisements --

Nasunog ang isang palapag ng commercial area sa Panay Avenue, Barangay South Triangle, Quezon City.

Naganap ang sunog pasado 10 nitong Linggo ng gabi sa Isa Bar and Grill Restaurant.

Itinaas pa ng Bureau of Fire Protection sa ikatlong alarma ang nasabing sunog na naapula matapos ang halos dalawang oras.

Inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng sunog at wala namang naitalang nasugatan o nasaktan sa insidente.