-- Advertisements --

ILOILO CITY – Patuloy ngayon na pinaghahanap ng mga otoridad ang riding-in-tandem suspects na bumaril-patay sa commercial sex worker sa corner Valeria-Ledesma, Iloilo City Proper.

Ang biktima ay si Apple Jane Castillo, 28, residente ng Guimbal, Iloilo.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Pol. Col. Leo Batiles, director ng Iloilo City Police Office, sinabi nito na bago ang insidente, dumaan ang mga suspek lulan ng motorsiklo at bumalik sa kinatatayuan ni Castillo.

Nagtamo naman ng tama ng bala sa ulo ang biktima.

Ang biktima ay may kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act noong 2015, ngunit nakalabas ng kulungan noong nakaguwa sang 2018.

Nang lumabas ng kulungan, nagtrabaho ito bilang sex worker.

Kaagad namang tumakas ang mga suspek matapos ang insidente.