-- Advertisements --

ILOILO CITY – Hinahanapan na ng paaran ng Iloilo City government na mabigyan ng proteksyon ang mga commercial sex workers na exposed sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) dahil sa kanilang trabaho.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Nestor Canong, pinuno ng Task Force on Morals and Values Formation, sinabi nito na dahil nagsara na ang mga night clubs at KTV bars, naging freelancers na lang ang mga sex workers sa lungsod

Ayon kay Canong, gabi-gabi makikita ang mga sex workers sa mga plaza at red light district sa Iloilo City kung saan ang pinakamababang ng kanilang serbisyo ay nagkakahalaga ng P500.

Nababahala naman ang Iloilo City government dahil condom lang ang proteksyon ng mga sex workers at hindi nasusunod ang health protocol sa pakikipagtalik nila sa kanilang mga customers.