Kinumpirma ng Commission on Appointments (CA) ang designation o pagkakatalaga nina Executive Secretary Lucas Bersamin at Finance Secretary Benjamin Diokno.
Ang CA panel on executive secretary at presidential communications offices ng Office of the President at Philippine Space Agency ang nagsagawa ng deliberasyon sa appointment ni Bersamin.
Habang ang CA committee on finance para sa appointment ni Diokno.
Sa kabilang banda naman, ipinagpaliban ang deliberasyon sa ad-interim appointment ni Commission on Audit chairperson Gamaliel Cordoba.
Natalakay ng CA constitutional commissions at offices panel ang appointment ni Cordoba subalit sinuspendi ang pagdinig dito matapos magkasagutan sina Senator Risa Hontiverso at Sagip Party-list Rep. Rodate Marcoleta nang maungkat ang isyu sa pagsasara ng media giant.