-- Advertisements --
image 236

Ipinagpaliban ng Commission on Appointments (CA) panel ang kumpirmasyon ng ad-interim appointment ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo.

Nagsagawa ng dliberasyon ang CA labor, employment, social welfare, and migrant workers panel sa appointment ni Tulfo at nagpasyang ipagpaliban ang kumpirmasyon ng kaniyang official designation sa gitna ng mga isyu na citizenship ni Tulfo dahil sa enlistment o pagpapatala nito sa United States Army at kinakaharap na libel conviction.

Tugon naman ni Tulfo na ni-renounce na niya ang kaniyang US citizenship at siya ay pure Filipino.

Una rito, inungkat ni SAGIP Party-list Rep. Rodante Marcoleta ang conviction ni Tulfo sa apat na bilang ng kasong libel.

Ayon kay Cong. Marcoleta mayroong dilemma kung makakaapekto o hindi ang conviction sa kumpirmasyon ni Tulfo sa kaniyang posisyon bilang kalihim ng DSWD sapagkat ang kasong libel ay isang pagkakasala na may kinalaman sa moral turpitude.