Itinuturing na matagumpay ng Commission on Elections ang pilot test ng Commission on Elections’ Register Anywhere Project (RAP).
Layon nitong makapagrehistro ang mga qualified Filipino voters sa mga booths sa ilang establisimiyento sa bansa gaya ng mga mall.
Sinabi ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia na good start ang naturang registration.
Ikinatuwa rin ni Garcia ang naturang bagong sistema dahil kaya naman daw pala itong isagawa ng komisyon.
Umaasa rin ang chairman na tatangkilikin ito ng ating mga kababayan.
Ito ay dahil puwede nang mag-rehistro ang mga qualified voters na wala sa kanilang mga lugar.
Kung maalala, ngayong araw isinagawa ng Comelec ang pagsasagawa ng pilot test ng Register Anywhere Project sa limang malalaking mall sa National Capital Region at sa ilang mga probinsiya.
Kasunod nito, umaasa naman ni Garcia na mayroon pang ise-set up sa 80 mall na Register Anywhere Project.
Ang naturang programa ay available din sa mga overseas voters.
Available naman ang registration of voters mula Lunes hanggang Sabado mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-:5:00 ng hapon sa lahat ng local Comelec offices.
Todo rin ang panawagan ni Garcia sa publiko na magrehistro ng maaga para maiwasan ang mahabang pila sa huling araw ng registration.
Isa raw itong oportunidad para mapatibay pa ang demokrasya sa ating bansa.
Ang voter registration para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) na nagsimula noong Lunes ay magtatapos sa January 31, 2023.
Habang ang Register Anywhere Project ay hanggang sa Enero 25, 2023.