Target ng Commission on Elections (Comelec) na iproklama ang bagong Cavite 7th District Representative ngayong araw.
Sa isinagawang special elections, inihayag ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na inabot lamang ng dalawa hanggang tatlong minuto ang proseso ng botohan dahil sa Automated Elections System (AES).
Ayon sa poll body, mula 1am hanggang 5am, naipamahagi ang official ballots mula sa Municipal at City Treasurer’s Offices sa lahata ng 426 clustered precincts sa 75 voting centers sa munisipalidad ng Amadeo, Indang, at Tanza gayundin ang lungsod ng Trece Martires.
Sinimulan ang botohan dakong alas-6 ng umaga para sa mahigit 300,000 registered voters ng 7th Legislative District ng lalawigan ng Cavite.
Ayon pa sa Comelec chairman na sa pakikipagtulungan sa Philippine National Police (PNP), wlaang naitalang untoward incident.
Lahat din ng mga voting machines sa lahat ng mga presinto ay maayos na gumagana at walang naranasang aberya base sa monitoring ng command center sa Trece Martires.
Una rito, naging posible ang special election salig na rin sa Comelec resolution No. 10848 matapos na mabakante ang posisyon ng 7th District of Cavite makaraang maitalaga bilang Kalihim ng Department of Justice si Jesus Crispin Remulla.
Kabilang sa mga kandidato sa posisyon ay ang anak ni Remulla na si Crispin Diego Diaz Remulla na tumatakbo sa ilalim ng National Unity Party. Tatlong iba pa na sina Jose Angelito Domingo Aguinaldo, Melencio Loyola De Sagun, Jr at Michael Angelo Bautista Santos na parehong mga