-- Advertisements --
image 111

Muling napahayag ng pagkaalarma ang Commission on Population Development (CPD) nitong araw ng Sabado sa maagang pagbubuntis sa mga kabataan.

Ayon kay CPD Executive Director Lisa Bersales, base sa kanilang monitoring, nagkaroon ng increasing trend sa pagbubuntis ng maaga ng mga kabataang babae na nasa edad 10 hanggang 14 anyos pa lamang na inilarawan ng opisyal na nakakabahala.

Tumaas ito ng 21.6% mula 2016 hanggang 2021.

Sa ganitong mga edad kasi aniya ay dapat na nasa stage pa lamang ng paghahanda para sa adulthood ang mga ito at nag-aaral subalit naharap na sa mabigat na responsibilidad dahil sa maagang pagbubuntis.

Bagamat bumaba naman aniya ang maagang pagbubuntis mula sa age group na 15 hanggang 19 sa 5.4% noong 2022 mula sa 8.5% noong 2017.

Iginiit ng Commission on Population Development official na maaaring makaapekto sa katawan ng batang babae ang maagang pagdadalang tao sa oras na tumuntong na ito sa adulthood.