-- Advertisements --

Tuluyan ng pinalitan ng Commission on Population and Development ang kanilang acronym sa CPD mula sa dating POPCOM.

Ayon kay Commission Executive Director Grace Bersales na ang hakbang ay bahagi ng rebranding ng ahensiya.

Dagdag pa nito na sinuportahan ng kanilang board of commissioners ang nasabing rebranding sa CPD bilang pagtugon sa Executive Order 71 series of 2018 na pirmado noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Nakasaad sa EO ang kautusan sa pagpalit ng commission sa acronym na CPD.

Inatasan din ang muling pagkabit ng commission sa National Economic Development Authority o NEDA.

Dagdag pa nito na mananatili pa rin ang pagpapalakas ng kanilang serbisyo sa pamilya at komunidad.