Kinuwestiyon ng National Maritime Council, ang commitment ng China para pahupain ang tensyon sa WPS.
Ito’y matapos ang kamakailang pagbangga at pag water cannon ng China Coast Guard sa vessel ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources malapit sa Escoda Shoal.
Ayon sa National Maritime Council, ikinalulungkot nila ang paulit-ulit na agresibo, unprofessional at ilegal na action ng China.
Ginawa aniya ito ng China sa mga barko ng Pilipinas at maging sa sasakyang panghimpapawid noong mga nakalipas na linggo.
Giit ng ahensya ang ginagawang pagpapatrolya ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ay legal at nasa ilalim ng kanilang mandato.
Kaugnay nito , patuloy namang maghahain ang gobyerno ng Pilipinas ng diplomatic protest para maresolba ang isyu sa pinag-aagawang rehiyon.
Nananawagan rin ito sa Beijing na lumahok muli sa isang constructive dialogue sa naturang usapin na may kinalaman sa isyu sa WPS.