-- Advertisements --
BBM PBMM marcos signing

Pinapurihan ng United Nations ang commitment ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagpapalakas sa hanay ng mga kabataan, at ang commitment tungo sa peace-building at security initiatives.

Sa ASEAN -UN Summit, binigyang-diin ng Pangulo ang layon ng kaniyang administrasyon na paigtingin ang papel ng Pilipinas sa peacekeeping operations, lalo na sa mga lugar na marami ang Overseas Filipino Workers (OFWs).

Sa pulong na ito, inanunsyo rin ng Pangulo na mula sa 140 action lines ng 2021 – 2025 ASEAN-UN Plan of Action, nasa 120 na ang naabot ng Pilipinas.

Habang nagpahayag rin ang Pangulo ng kaniyang paghanga at pasasalamat sa kooperasyon at assistance ng UN sa ASEAN, sa pamamagitan ng COVAX facility, sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Samantala ngayong araw nakatakda ang bilateral meeting ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama ang Brunei at South Korean Leaders.