Agad naghain ng mosyon ang kampo ng dalawang whistle blower sa ghost dialysis patient scam sa Quezon City court matapos matanggap sa witness protection program (WPP) ng Department of Justice (DoJ).
Base sa urgent ex parte motion to defer implementation of commitment order, hiniling ng kampo nina dating assistant branch manager ng WellMed na si Edwin Roberto at Philhealth officer Leizel Aileen de Leon na ibasura na ang commitment order na nag-uutos na ilipat ang dalawa sa Quezon City jail mula sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI).
Ayon kay Atty. Harry Roque, legal counsel ng dalawa, kahapon pa kasi natanggap sa WPP ang kanyang mga kliyente.
Una rito kinumpirma ni Justice Sec. Menardo Guevarra na pasok na sa WPP ang mga whistle blowers at manamatili ang mga ito sa loob ng 90 araw o tatlong buwan habang hinihintay ang preliminary investigation sa pitong iba pang personnel ng WellMed.
Si Roberto at De Leon ay sinampahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ng reklamong estafa through falsification of official documents dahil sa mga sinasabing pekeng dialysis claims sa Philhealth.
Kasama rin sa kinasuhan ay si Brian Sy na isa sa mga may-ari ng WellMed.