-- Advertisements --
KAPA hotline

GENERAL SANTOS CITY – Nagpalabas na ng commitment order si RTC 21 Judge Gil Bollzos ng Cagayan de Oro laban kay KAPA Founder Joel Apolinario.

Sinabi ito ni PRO-13 regional director B/Gen Lito Esquibel matapos maghain ang pulisya ng kasong illegal possession of firearms and ammunitons, illegal possession of highly explosives, direct assault at illegal assembly laban kay Apolinario . 

Sa ngayon, inaalam na rin aniya nila sa firearms and explosive division sa Camp Crame at AFP kung may record ang 30 units na M16 rifle, tatlong machine guns at iba pang baril ng KAPA founder.

Sinabi ni Esquibel na mananagot ang pinagmulan ng mga high powered firearms na nakuha sa grupo ni Apolinario sa raid sa Lingig, Surigao del Norte nitong nagdaang buwan. 

Sinisiguro rin nito na walang bail ang isinampang kaso laban kay Apolinario at mga kasamahan nito.

arms firearms KAPA Joel Apolinario