-- Advertisements --
Desidido ang Senate committee on justice na maibigay ang kopya ng panel report sa Malacanang ukol sa ninja cops, kahit wala pa ang ibang senador na pipirma sa binalangkas na ulat.
Ayon kay Sen. Richard Gordon, bahala na si Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa magiging aksyon para sa panig ng PNP, lalo’t ilang opisyal at tauhan nila ang nakakaladkad sa usapin.
Tiyak na rin umano ang pagrerekomenda nila ng kasong negligence at graft laban kay PNP Chief Oscar Albayalde.
Sa ngayon, naka-‘non-duty leave’ na ang pinuno ng pambansang pulisya, ilang araw bago ang kaniyang retirement.
Pero tiniyak ng PNP na hindi maaapektuhan ang trabaho sa kanilang hanay sa kabila ng pansamantalang pagliban ng top cop.