Isinusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakaroon ng sariling communication system sa bansa na magagamit sa panahon ng kalamidad.
Sinabi ni Pangulong Duterte, layunin nitong hindi na umasa ang gobyerno sa dalawang pribadong telecommunication companies lalo sadyang mahirap ang signal sa tuwing may kalamidad tulad ng bagyo.
Kaya ayon kay Pangulong Duterte, napapanahon na para magkaroon ng sariling paraan ng komunikasyon ang gobyerno na gagamitan ng code para mas maging maagap ang pagtugon sa panahon ng emergency, response and relief operations.
Nais ng Pangulo na pangasiwaan ng pulis at militar ang communication system project na pwede na umanong masimulan bago matapos ang taong kasalukuyan.
Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag matapos bumisita sa Batanes nitong Linggo kasunod ng pagtama roon ng malakas na lindol.