Arestado ang umano’y leader nang tinaguriang Communist Terrorist Group (CTG) sa ikinasang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng PNP at 77th Infantry “Don’t Dare” Battalion sa may bahagi ng Barangay Bulala, Camalaniugan, Cagayan.
Kinilala ni Philippine Army commanding general, Lt.Gen. Romeo Brawner ang nahuling CTG leader na si Rosielyn Simeon o mas kilalang “Jinky”, 34.
Ayon kay Brawner si Simeon ay executive committee member at isang armorer ng Giyang Pulitikal na nag-o-operate sa probinsiya ng Cagayan.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong illegal possession, manufacture, and acquisition of firearms, ammunition, and explosives sa ilalim ng Presidential Decree 1866.
Nakumpiska din sa posisyon ni Simeon ang tatlong cellphones, 4 na sim cards, 4 na memory cards, power bank,charger, notebook, flash drive, one-thousand peso bill, at isang box ng medical kit.
Pinuri ni Lt. Gen. Brawner, ang mga tropa mula sa 77IB at maging kanilang PNP counterpart sa matagumpay na joint operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa leader ng ma rebelde.