CENTRAL MINDANAO-Nagpapatuloy ang isinasagawang Community Based Drug Rehabilitation Program para sa 34 na mga Persons Who UsedDrugs o PWUDs sa bayan ng Kabacan Cotabato.
Ayon kay Kabacan Mayor Evangeline Pascua-Guzman, ang bilang na ito ay yung mga hindi pa nakapagtapos sa nasabing intervention at hinikayat din nito ang iba pang mga hindi nakapagtapos na samantalahin ang nasabing aktibidad.
Magtatagal ng isang buwan ang nasabing programa na nagsimula noong March 10, 2023.
Mula naman sa mga barangay ng Bannawag, Katudtuan, Kayaga, Kilagasan, Cuyapon, Osias, Salapungan, Pisan, at Poblacion ang mga partisipante.
Nahahati naman sa mga topikong Mental Health Awareness, HiV Awareness, Drug Awareness, Good Parenting Awareness, Spiritual Strengthening, Family Education, Counseling, at Skills Training ang aktibidad.
Matatandaang, ang Kabacan ay may bilang na higit walong daang mga PWUDs at sa kasalukuyan ay nakapagsagawa na ng anim na graduation ng CBDRP.
Samantala, sa oras umano na ibababa na ang pangangasiwa ng CBDRP sa mga barangay ang tanging gawain na lamanh ng LGU ay ang pagmomonitor at evaluation.