-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Nagsasagawa ang Department of Agriculture (DA)-Cordillera ng isang estratehiya para sa promotion ng “community farming” sa Cordillera Administrative Region.

Ipinapatupad ng ahensiya ang New Thinking in Agriculture strategy para sa efficient, effective, consolidated, mechanization, at modern farming strategies para sa small family farms sa rehion.

Puntirya ng ahensiya ang mga family farms na ginawa para lamang may masaka ang isang pamilya.

Naniniwala ang DA na ang family farms ay maaaring maging commercial farms at panggagalingan ng maraming suplay ng pagkain kung ang mga magsasaka ay bubuo ng kooperatiba.