-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Ilinunsad ng Sanguniang Kabataan ng barangay Naguilian Sur ang kakaibang community pantry kung saan sa halip na goods ay namamahagi ito ng seedlings at fruit bearing trees.

sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Winslet Baquiran, Sanguniang Kabataan Chairman ng Naguilian Sur, City of Ilagan, sinabi niya na na naisipan niyang itatag ang tinatawag nilang Community Pantree.

layunin nitong maisulong nila ang Urban Greening na inaasahang makakatulong sa kalikasan upang matugunan ang problema sa climate change.

Aniya hindi sila nag alinlangan na magpadala ng liham sa tanggapan ng DENR-PENRO Isabela at DENR-CENRO Naguilian kung saan sila nakakuha ng suporta.

Ayon kay SK Chairman Baquiran nakuha niya ang ideya sa pagtatag ng community pantree sa naging hakbang ng DENR-NCR.

Matapos niyang makita ang isang post sa social media ay agad siyang gumagawa ng hakbang para maisakatuparan ang naturang proyekto sa kanilang barangay.

Naging positibo naman ang mga kabarangay ni Baquiran at nagpakita ng suporta sa kanilang community Pantree.

Naipamahagi nina Baquiran sa kanilang community Pantree ang isang daang narra tress, limampung mahogany trees at isang daang fruit bearing trees.

Upang mamonitor ang mga naipamahaging seedlings ay magsasagawa sila ng monthly checking sa mga naging benipisyaryo ng community pantry upang makita kung naitanim na ang mga ito.

Maliban sa pamamahagi ng seedling at fruit bearing trees at plano ng kanilang grupo na makipag ugnayan sa Kagawaran ng Pagsasaka para naman sa planong pamamahagi ng vegetable seedlings.