Patuloy ang pagdami ng mga nagpapatayo ng community pantry sa iba’t-ibang panig ng bansa.
Mula ng sinimulan ito sa Maginhawa Street sa Quezon City ay kumalat na ito sa Metro Manila at nakarating na rin sa ibang panig ng Luzon, Visayas at Mindanao.
Tinawag naman ni Caloocan Bishop Pablo Virgilio David ang nasabing pagdami ng mga community pantry bilang “the most tangible sign of hope”.
Inilunsad din nina Lucia Silva ng Barangay Saray at Manuel Jabay Jr ng Barangay Tipanoy na kapwa sa Iligan City kung saan ito ay para sa mga nawalan ng trabaho dahil marami sa kanila ang construction workers, jeepney drivers, laborers, sidewalk vendors at mga tribike drivers.
Hindi rin nawalan ang paglalagay nila ng mga “halal” food na para sa Muslims.
Karamihan sa mga pagkain na ibinahagi ay galing sa mga kaibigan nito na nasa ibang bansa.
Tumugon lamang sa panawagan ng mga tao para sa pagtutulungan ng bawat isa kaya itinayo rin ni Mary Ann Medina ang kaniyang community pantry sa Roxas night market sa Davao City.
Itinturing naman na isang nakakahawang virus kaya nagtayo rin ng community pantry ang ilang negosyante sa Paniqui, Tarlac, sa Puerto Princesa City, sa Baao Camarines Sur at sa il ang bayan sa Bulacan at sa Laguna.
Patuloy pa rin ang panawagan ni Bishop David sa mga mamamayan na magtayo ng mga community pantry dahil ang bawat isa ay may angkin na magbigay.