KORONADAL CITY – Nagsimula na rin ang community pantry sa lungsod ng Koronadal kaninang umaga na inorganisa ng mga private individuals na inspired ng Maginhawa free pantry sa Quezon City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Ian Parcon, isa sa mga organizers, layunin daw sa paglunsad ng grupo sa community pantry na tinagurian nilang “Buliganay Pantry” na magbibigay ng libreng mga pagkain, goods, mga gulay, itlog at maraming iba pa.
Sa pagbukas kaninang umaga ay agad na dinagsa ng mamamayan ang community pantry kung saan karamihan sa mga humihingi ng pagkain ay mga senior citizens.
Nakita rin ng organizers ang pagdami ng tao na ang iba ay hindi nasunod ang social distancing kaya’t pansamantala itong inhinto.
Pagpapaplanuhan naman ang pagpapatuloy nito basta’t sisiguraduhin ng mga organizers na masusunod ang mga health protocols.