Inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang Senate Bill No. 2195 o kilala bilang Community Service Act.
Ayon kay Senate committee on justice and human rights chairman Sen. Richard Gordon, layunin nitong matugunan ang lumalalang problema sa siksikang piitan sa buong bansa.
Kung magiging ganap na batas kasi ito, malaking bilang ng bilanggo ang mababawas sa jail facilities at magiging kapaki-pakinabang pa sa lipunan ang aktibidad ng mga nasasangkot sa krimen.
Pero nilinaw ni Gordon na tanging ang mga kasalanan lamang na may parusang arresto menor at arresto mayor ang qualified sa community service.
Maaari rin daw muling arestuhin ang mga dumaan sa prosesong ito kung lalabagin nila ang mga patakarang nakapaloob dito.
“If he violates the terms of community service, the court shall order his re-arrest and the defendant shall serve the full term of the penalty, as the case may be, in jail,†wika ni Gordon.
Giit pa ng senador, makakatulong ang batas para sa kalusugan ng inmates, komunidad na pagsisilbihan at makakatipid pa ang gobyerno sa inilalaang supply para sa mga piitan.