-- Advertisements --

Mga Aplikante at Membro ng Bagong Bayani Hong Kong Executive Eagles Club at Lady Eagles Club Nagsagawa ng Community Service sa mga kapwa OFW’s sa Hong Kong.

Naganap nitong September 29, 2024 sa Saint Vincent Parish Church, Hang Hau Road, Clear Water Bay, Hong Kong ang libreng Sugar Glucose Test at Blood Pressure Test na pinagkaloob ng nasabing Eagles Club ng The Fraternal Order of Eagles-Philippine Eagles Incorporated sa Hong Kong na pinangunahan ni Eagle Marlon Pantat De Guzman, Club President, Lady Eagle Butz Francisco, Vice President of Lady Eagles Club at Lady Eagle Mherly Quijalvo na isang Manager ng UTEA Employment Agency at si Angel Payos na siyang gumawa ng pagkakataon para maiparating sa Parish Priest ng nasabing simbahan para maisagawa ang paglilingkod ng mga Agila, siya din ay isang Aplikante Ng Agila at Manager ng MEGA Robinson Employment Agency dito sa Hong Kong.

Sa kabuoan ay may naitala silang humigit kumulang na 134 na pasyente ang kanilang napagsilbihan na ikinatiwa ng ating mga Kababayan.

Ang gawaing ito na magbigay ng libreng Sugar Glucose at Blood Pressure Test ay regular na nilang ginagawa sa mga kapwa OFW’s at nililipat-lipat ito sa ibat-ibang bahagi ng Hong Kong lalo na sa araw ng linggo kung saan nagkaka- tipon-tipon ang ating mga kababayan dahil ito ay kanilang Day-OFF.

Malaking pasasalamat naman ng kanilang Club dahil sa pakiki isa ng mga applicante sa nasabing gawain.

Ang The Fraternal Order of Eagles-Philippine Eagles Incorporated ay may layunin maglingkod sa kapwa tao lalo na sa Pilipinas kung saan ito naitatg noong June 1979 sa Aberdeen Court, Quezon City.

Sa ngayon ito ang nagkalat na sa buong Pilipinas pat