DAVAO CITY – Sineguro sa Department of Interior and Local Government (DILG) na palalakasin pa ang Community Support Program (CSP) para sa mga liberated Barangay’s mula sa impluwensya sa insugency sa Rehiyon Onse.
Ayon kay DILG Regional Director Alex Roldan, tinatayang aabot sa 4.3 bilyon pesos ang pundo sa Region XI para sa 607 project sa 215 indentified Barangays.
Aniya, sa bawat barangay, aabot sa 20 million pesos ang budget, pero may iba aniya na nasa 6 million pesos lang.
Kalimitan sa mga proyektong itinayo ay health centers, water system, school buildings, farm to market road at iba pa. Sa ngayon nasa 88.63 ang completed project, 11.2 ang ongoing construction habang .6% naman ang hindi pa naipatupad.
Paliwanag ng opisyal na layunin ng RCSP na makapag partisipar ang mamamayan sa usapin ng proyekto sa kanilang barangay. Sa pamamagitan ng nasabing programa, ay masesegurong hindi na maimpluwensyahan ng insurgency ang nasabing mga lugar.
Napag alamang nasa dalawang taon lang ang ibinigay na palugit ng gobyerno para sa implementasyon sa nasabing pundo, at kung mabigo ang Provincial Government sa pagpapatupad ng proyekto, kinakailangan na nilang ibalik ang nasabing pundo sa Bureau of Treasury.