-- Advertisements --
Pinaggigiitan pa rin ng Department of Health (DOH ) na wala pang community transmisison ng Delta variant ng COVID-19 sa bansa.
Ito ay kahit na nagtala ng mataas na bilang ang bansa ng COVID-19 cases sa bansa.
Ang community transmission ay kapag ang isang komunidad ay nahawaan ng sakit ng isang tao na nagpositibo sa virus.
Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kanilang pinag-aaralan pang mabuti ang naging sanhi ng mga hawaan.
Hindi rin niya nila ikinokonsidera na ang nasabing pagtaas ng kaso ay dahil sa isang variant.
Masasabi lamang na ito kapag natapos na aniya ang kanilang purposive sampling.