-- Advertisements --

Naniniwala ng representative ng World Health Organization (WHO) sa bansa na mayroong community transmission ng UK at South African variant ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) Plus bubble.

Ayon kay Dr. Rabindra Abeyasinghe, ang WHO representative sa bansa, malaki ang ebidensiya na mayroong community transmission dahil sa nasabing bilang ng kaso.

Sa ibang lugar naman ng bansa ay hindi aniya maikakaila na mayroong community level transmission ng B117 at B1351 variant.

Nagkaroon aniya ng problema sa kahinaan ng contact tracing kaya tumaas ang kaso ng COVID-19 sa bansa.