-- Advertisements --
viber image 2023 09 15 09 49 17 215

Inaresto ng National Bureau of Investigation Anti-Organized and Transnational Crimes Division ang isang company manager na may kinakaharap na kasong Qualified Theft.

Kinilala ang suspect na si CASIMERO LOPEZ at naaresto sa lungsod ng Maynila.

Ang naturang operation ay nag-ugat matapos na maghain ng reklamo ang may-ari ng isang Medical Clinic Company laban kay Lopez.

Si Lopez umano ay mayroong sole access sa vault ng establisimyento kung saan nakalagay ang kita ng kumpanya.

Noong September 7, 2023, nadiskubre ng complainant na nawalan siya ng aabot sa Php585,806.00 sa Financial Report na isinumite ng kanilang accounting staff.

Inamin naman ni Lopez na kinuha niya ang naturang halaga ng pera at pagkatapos ay ininvest.

Giit ng suspect umaasa siya na maibabalik sa kanya ang pera na kanyang ininvest ngunit na unsyame na ito.