Nagdesisyon ngayon ang Supreme Court (SC) na kailangang sumailalim sa competitive bidding ang lahat ng power supply contracts na secured ng electricity distribution firms.
Sa botong 9-2, ibinasura ng kataas-taasang hukuman ang ilang desisyon ng Energy Regulatory Commission (ERC) na nagpapaliban sa competitive selection process (CSPs) para sa mga deal ng power plants at distribution utilities.
Nag-ugat ang desisyon sa reklamo ng consumer group Alyansa Para Sa Bagong Pilipinas, Inc. laban sa Manila Electric Co. (Meralco) na pinakamalaking power distributor sa bansa.
Noong 2016, hiniling ng grupo high court na pigilin ang ERC sa pag-apruba sa 20-year power supply deal sa pagitan ng Meralco at pitong power plants.
Sa reklamo, sinabi ng grupo na dumaan sa negotiated deals imbes na competitive bidding ang kontrata.
Sinabi rin ng SC na nagkaroon ng pang-aabuso ang ERC sa kapangyarihan nang suspendihin ang implementasyon ng CSP.
Ang CSP ay isang porma ng competitive public bidding sa pagbili ng supply ng kuryente ng mga distribution utilities.
Layon nitong masiguro ang patas, resonable, at cost effective na generation charge sa mga consumers sa pamamagitan ng transparent na bentahan ng supply ng kuryente sa pagitan ng mga generation companies at ng mga distribution utilities.
Batay sa 2015 DoE Circular, inoobliga nito ang lahat ng mga distribution utilities na dumaan sa CSP para sa lahat ng power supply agreemtns.
Naging epektito ito noong June 30, 2015
Pero noong October 20, 2015, nag-isyu ang ERC ng Resolution number 13 na nagsagabing maaring i-adopt ng mga distribution utilities ang anomang porma ng CSP at nagpapahintulot din sa mga ito ng direct negotiation matapos ang dalawang bigong CSP.
Dahil din sa nasabing ERC resolution, naipagpaliban ang implementasyon ng ilang probisyon ng 2015 DoE Circular na nag-oobliga sa pagkakaroon ng competitive selection process sa pagbili ng supply ng kuryente ng mga distribution utilities sa loob ng 130 araw.
Nag isyu rin noong March 15, 2016 ang ERC ng Resolution number 1 na nagsagabing ang effectivity ng Competitive Selective Process requirement para sa mga PSA ay noong April 2016 sa halip na November 7, 2015 gaya ng isinasaad sa ERC Resolution No. 13.
Dahil sa nasabaing mga resolusyon, naipagpaliban ang implementasyon ng 2015 DOE Circular sa loob ng 305 days mula June 30, 2015 hanggang April 29, 2016.
Paliwanag ng Korte Suprema, limitado lamang ang kapangyarihan ng ERC sa implementasyon ng CSP at wala itong poder sa aplikasyon ng Competitive Selection Process.