-- Advertisements --

Mismong ang mga Kabus Padatoon (KAPA) members na ang humihikayat sa kanilang mga kasamahan na maghain ng reklamo laban sa mga opisyal ng investment group.

Matatandaang tatlong complainant ang naghain na ng kasong syndicated estafa kahapon sa Department of Justice (DoJ) laban kay KAPA founder Joel Apolinario at iba pang opisyal ng nasabing organisasyon.

Para kay alyas Boy, dalawa lamang ang option ng KAPA investors ngayon para ma-recover pa ang nailagak na investment at ito ay ang maghabol na ngayon o kaya ay maghintay sa anumang mangyayari.

“Kung nakikita po nilang kailangan nang maghabol ngayon, go for it. Kung sa palagay naman nila ay kailangan pang maghintay, pwede rin,” wika ni alyas Boy.

Nakikiusap naman ang isang ginang na magkusa na ang KAPA na isauli ang kaniyang kalahating milyong pinaghirapan mula sa retirement benefits, dahil ito sana ang kaniyang inaasahan para sa pambili ng gamot.

Nakiusap ang mga complainant na itago ang kanilang identity para sa kanilang seguridad.