-- Advertisements --
NAIA

Binigyang diin ni Deputy Speaker and Batangas Rep. Ralph G. Recto na ang ang solusyon sa nangyaring power outage sa NAIA ay hindi kakaonting remedyo kundi ang buong wellness package.

Iminumungkahi ng mambabatas ang complete check up dito at hindi ang power audit lamang.

Kinakailangan ng halos P1 billion na pondo para sa bagong electrical system ng NAIA ayon sa management nito.

Kahit umano hindi pa nangyari ang nasabing insidente kailangan ituring na urgent itong complete check up ng nasabing paliparan dahil sa oras na nagkakaroon ng problema rito ay malaki ang nagiging epekto sa bansa.

Mayroon naman umanong pera dahil kung maaalala ang NAIA ay isang corporate profit center para sa gobyerno.

Sa katunayan, noong taong 2019, kumita ang MIAA na nagpapatakbo sa NAIA ng halos P15.2 billion.