Ibinahagi ng award-winning composer na si Ryan Cayabyab ang naging karanasan niya noong tumama ang magnitude 7 na lindol sa Thailand.
Kasama niya ang asawa at ilang mga kaibigan noong tumama ang lindol sa Bankok.
Palabas na sana sila sa kanilang hotel para mananghalian ng nagtakbuhan palabas at nagtulakan ang mga tao.
Ilang sandali ay naramdaman nito ang lindol dahil sa maraming mga tao ang nasa kalsada.
Matapos ang pagyanig ay hirap din silang nakabalik sa kanilang kuwarto dahil sa maraming mga nakapila sa elevator.
Pagkadating nila sa kuwarto ay nagad silang nag-empake kung saan naisabay ang lindol sa araw ng pabalik na sila sa Pilipinas.
Nahirapan silang makakuha ng sasakyan patungong paliparan dahil sa labis ang trapiko.
Hindi na sila bumalik sa kanilang hotel matapos na mairebook ang kanilang flight at doon na lamang sila nagpalipas ng gabi sa paliparan.
Nagpasalamat rin sila sa mga staff ng hotel dahil pag-asikaso sa kanila kahit may lindol pa.