Mula sa ibat-ibang units ng Phililippine National Police (PNP) ang bubuo sa komposisyon sa bagong tatag na PNP Drug Enforcement Group (PDEG) na siyang nakatutok sa giyera kontra droga.
Ayon kay PNP spokesperson SSupt. Dionardo Carlos na layunin ng nasabing hakbang ay para mas mapabilis ang magiging aksyon ng PDEG sa oras na may isasagawang anti-drugs operation.
Sinabi ni Carlos na kabilang sa mga unit na mapapabilang sa bagong tatag na anti-narcotics unit ng PNP ay may kinalaman sa administrative, tactical at counter intelligence.
Paliwanag ni Carlos na sa kanilang paraan magiging embedded na ang mga tauhan ng PDEG at hindi na kailangan pang humugot ng iba pang miyembro ng PNP sa bawat anti-illegal drugs operation.
Una silang kukuha ng tauhan sa k9 unit at swat team na gagawin nilang tactical operatives.
Habang imbestigador naman ang magiging papel ng ilang piling mga pulis na dating miyembro ng binuwag na AIDG o anti-illegal drug group.
Giit ni Carlos na lagpas 100 ang magiging miyembro ng PDEG.
Sa ngayon hindi pa kumpleto ang mga tauhan ng PDEG dahil sinasala pa rin nila ang mga pulis na sasali rito upang matiyak na walang lulusot na police scalawags.